Oct 27 2008
Ang Tangi Kong Pag-ibig
Para sa mga mahal ko sa buhay.
Para sa Diyos, ang pumipintig sa aking bawat sandali.
Ang Tangi Kong Pag-Ibig
Ang tangi kong pag-ibig
Sa puso’y laging may pintig
Walang ibang inaasam
Ikaw lang magpakailanman
At sana’y iyong madama
Aking wagas na pagsinta
Walang ibang hinihiling
Walang ibang panaginip.
Dahil ikaw, ikaw lamang
Ang aking kalawakan
Ikaw lamang ang buhay
Pumipintig sa bawat sandali.
Ang tangi kong pag-ibig
Ay ligayang kay tamis
Kaya’t sana’y iyong mabatid
Itong aking paglalambing.
Dahil ikaw, ikaw lamang
Ang aking kalawakan
Ikaw lamang ang buhay
Pumipintig sa bawat sandali.
Ang tangi kong pag-ibig
Ang pangakong walang patid
Walang ibang inaasam
Ikaw lang magpakailanman.
Sana balang araw, ma-awit ko ito habang naggigitara. Para sa Diyos, para sa mahal ko, para sa lahat ng bumubuhay sa akin.
Ngunit hindi ko alam kung paano maggitara ng ganito. Sana may magturo sa akin.













